Ni Arjay Adan
IGINAWAD ng US Department of State kay Pasig Mayor Vico Sotto ang titulong “anti corruption champion” noong Martes.
Kabilang din dito ang 11 pang lider mula sa ibang bahagi ng mundo dahil sa kanilang pamamalakad, tapang, at impluwensya sa pagpigil at paglaban sa korapsyon.
Kaugnay nito ay nagpapasalamat si Sotto sa pagkilala ng pamahalaan ng Estados Unidos sa kanya bilang “anti corruption champion.”
Aniya, umaasa itong makakatulong ang kanyang natanggap na karangalan upang matigil ang korapsyon sa bansa.
Ayon pa sa Twitter post ni Sotto, kung nais ng mga Pilipinong magkaroon ng mas mabuting pamahalaan, kailangan nating labanan ang korapsyon at tanggalin ito sa ating kultura.