Ni Vhal Divinagracia
NAKATAKDANG tumanggap ng 16 million pesos na halaga ng rice assistance ang aabot sa 12, 145 na mga dating myembro ng MILF o Moro Islamic Liberation Front sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Bahagi ito ng socio-economic intervention ng pamahalaan para sa mga dating rebelde.
Sinabi ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Undersecretary David Diciano, umpisa pa lang ang rice assistance sa mga ayudang ibibigay nila sa mga dating rebelde.
Nagsasagawa na rin ng assessment ang Task Force for Decommissioned Combatants and their Communities katuwang ang Department of Social Welfare and Development para malaman ang tunay na pangangailangan ng mga ito.
Nakatakda namang tumanggap ang mga dating MILF rebels sa Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ng kaparehong ayuda mula sa pamahalaan.