Ni Kriztell Austria
KASALUKUYANG nasa 500,071 na ang bilang ng mga namatay sa US habang nasa 28.1 milyon naman ang bilang ng mga na-infect.
Ayon sa projection ng University of Washington’s Institute for Health Metrics and Evaluation (IHME), hindi bababa sa 90,000 ang inaasahang bilang ng mga masasawi sa US sa buwan ng Hunyo.
Pumapangalawa naman sa may pinakamataas na bilang ng mga namatay sa COVID-19 ang Brazil kung saan nasa 244,000 na ang bilang ng mga nasawi habang pangatlo naman ang Mexico na may bilang na 178,000.