Ni Vhal Divinagracia
BUMABABA na ang lebel ng fecal coliform sa Manila Bay ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, Pebrero 8 nang kumuha sila ng water sample at nagpapakita ito na 4.87 million most probable number (mpn) per 100 milliliters na lang mula sa 7.16 mpn/100ml.
Tiniyak naman ni Cimatu na mas palalakasin pa nila ang kanilang kampanya sa kalinisan ng Manila Bay.
Kaugnay nito kung magtatagumpay ang pagpapababa ng lebel ng fecal coliform sa tubig ng Manila Bay, magiging ligtas na ito para sa mga recreational activities at fishing.