Ni Justine Nazario
PANIBAGONG poster ang inilabas ng Viva films sa palabas na Tililing matapos itong maging kontrobersyal.
Matatandaang naging mainit sa mata ng mga netizen ang unang poster ng palabas kung saan nakalabas ang dila ng mga gaganap sa poster.
Kabilang sa umalma rito ay si actress Liza Soberano kung saan sinabi niya na mental health is not a joke.
Dagdag pa dito, maging ang Commission on Human Rights ay hindi rin nagustuhan ang naging poster ng Titiling.
Sa bagong poster ng palabas makikita na nakangiti na lamang ang ilan sa poster at ang iba naman ay may iba’t ibang ekspresyon.
Samantala, nakatakda namang ipalabas ang Tililing sa Vivamax sa darating na ika-5 ng Marso 2021.