Ni Champaigne Lopez
LAHAT tayo ay may iisang buhay lamang. Kaya ang bawat oras ay dapat nating pahalagahan at gamitin sa makabuluhang bagay. Narito ang ilang paraan upang mabuhay nang matagal at matiwasay.
Maging positibo
Ang pagiging positibo ay makakatulong upang tayo ay mabuhay nang matagal. Ayon sa mga eksperto, ang taong palaging masaya ay may malaking tiyansa na hindi tamaan ng sakit. Ngunit ang pagtatanim ng mga negatibong damdamin at pakikisama sa mga taong may mabigat na pagdadala ng buhay ay may malaking epekto sa kaisipan at sanhi ng stress na nagreresulta sa kung anu-anong sakit. Kaya hanggat maari ay manatiling positibo at makisama sa mga taong may maaliwalas at magaan na pagtingin sa buhay.
Kumain ng masustansiyang pagkain
Ika-nga, “kumain ng gulay upang humaba ang ating buhay” dahil ito ay napakaraming benipisyo sa ating kalusugan at katawan pati na rin sa ating pag-iisip. At kung tayo ay malusog at malakas ay mas malaki ang tiyansa nating mabuhay nang matagal.
Matulog sa tamang oras
Ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga ay mahalaga rin sa pagpahaba ng buhay. Dahil ang pagpupuyat o yung kawalan ng tulog o pahinga ay maaring magdulot ng sakit sa utak na maaring ikamatay.
Pag-eehersiyo
Ang araw-araw na pag-eehersisyo ay malaking tulong upang sumigla. Kailangan ng katawan ang sapat na pag- eehersiyo upang lumakas at makaiwas sa pagkakasakit.