Ni Vhal Divinagracia
IPINAHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na hindi pa muling ipapatupad ang number coding sa mga sasakyan.
Ito ay sa kabila ng panukalang luluwagan na ang quarantine status ng Metro Manila.
Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos Jr. na titingnan nila ang magiging sitwasyon ng trapiko sa Marso kung tuluyan na ngang luwagan ang quarantine status.
Ang tiniyak lang sa ngayon ni Abalos, posibleng hihikayatin nya ang Department of Transportation na pahintulutan ang marami pang sasakyan sa panahong ito bilang daan sa mas mabuhay na ekonomiya.