Ni Arjay Adan
IPINAHAYAG ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research, kahit na anong lalawigan o syudad, kailangan talaga ng testing dahil marami sa mga indibidwal ay asymptomatic.
Dagdag pa nito, ang paglipat lipat ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa iba ay maaaring maging problema kung mataas ang viral load ng biyaherong iyon.
Ito ang naging pahayag ni Dr. Ong kasunod ng desisyon ng pamahalaan ng Cebu na ihinto na ang swab test requirement para sa mga turistang papasok sa probinsya.
Bukod naman sa Cebu ay mahigpit ding binabantayan ng OCTA Research ang mga syudad sa Metro Manila, hilagang bahagi ng bansa gaya ng Kalinga Province at Baguio City dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 infection sa mga nasabing lugar.