Ni Vic Tahud
PUMAPAYAG na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na buksan ang mas marami pang negosyo sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, aprubado na ng IATF ang pagbubukas ng driving schools, traditional cinemas, video at interactive-game arcades sa bansa.
Dagdag pa ni Roque, maging ang mga library, archive, museum at cultural center ay otorisado na mag-operate.
Inaprubahan na rin na buksan ang mga tourist attraction tulad ng parks, theme parks, natural sites at historical landmark.
Payag na rin ang IATF na magsagawa ng meetings, incentives, conferences and exhibitions, at limitadong social events sa mga credited establishments ng Department of Tourism.
Sa kabila nito, kinakailangan pa ring sundin ang mga minimum health standards na itinakda ng Department of Health.
Ang lahat ng ito ay napag-desisyunan ng IATF matapos nagpahayag nang pagkabahala si Pangulong Duterte sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa.