Ni Vic Tahud
DUMARAMI na ang nagugutom na mga Pilipino, dahilan kung bakit dapat nang ilagay muli sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang bansa.
Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez sa Laging Handa press briefing.
“Each day po na walang pagkain ‘yong ibang kababayan natin, each day na nagugutom at na-mamalnourish po sila, ano ho kaya ang gagawin natin sa kanila, ‘yon ang big question,” ani Lopez.
Ayon pa kay Lopez, hindi na dapat pang hintayin pa na maabot pa ang herd immunity bago pa mabuksan ang ekonomiya.
Ani Lopez, dapat ngayon pa lamang ay unti-unti nang buksan ito para sa mga nagugutom na mga Pilipino.