Ni vhal divinagracia
NAKIPAGPULONG si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi sa national government officials na pinangunahan ni Department of Transportation o DOTr Secretary Arthur Tugade.
Kaugnay ito sa paglalagay ng bike lanes at north-south commuter railway project sa Muntinlupa City.
Suportado naman ni Tugade ang paglalagay ng bike lanes lalo na ang paglalagay ng railway project.
Sinabi pa ni Tugade na tutulungan nya ang Muntinlupa para mapabilis ang pagpapatupad ng nasabing mga proyekto.