Ni Vic Tahud
HINDI pa makapagbigay sa ngayon ng komento ang World Health Organization hinggil sa efficacy ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China.
Ayon kay WHO representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, nagpapatuloy pa ang evaluation ng WHO hinggil sa Sinovac vaccine.
Matatandaang, inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang Sinovac na makakuha ng emergency use authorization.
Sa ngayon, binibigay ng WHO ang desisyon tungkol sa vaccination program ng bansa.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ng evaluation ang Sinopharm vaccine.