Ni Vic Tahud
KINUWESTYON ni Vice President Leni Robredo ang hinggil sa panukalang pagsasailalim ng bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) kung saan aniya na dapat parehong ikonsidera ng gobyerno ang ekonomiya at ang kalusugan ng publiko.
Ani Robredo, wala pang basehan para isailalim ang bansa sa MGCQ at tumataas pa ang bilang ng transmission.
Magugunitang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaring pumayag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim na sa MGCQ ang buong bansa sa Marso 1.
Nagkasundo na rin ang mga alkalde ng Metro Manila at Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases kaugnay sa naturang isyu.