Ni Vic Tahud
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Internal Revenue Chief Atty. Caesar R. Dulay na balasahin ang mga empleyado ng ahensya na sangkot sa mga iregularidad.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa regular press briefing ng Malacañang Palace.
“Ipinag-utos din po ng presidente sa hepe ng Bureau of Internal Revenue o BIR si Atty. Caesar Dulay na balasahin ang mga personnel ng ahensya dahil sa mga ireguralidad,” ayon kay Roque.
Bukod pa rito, nagpa-alala rin ang Pangulo sa mga biyahero na nakikipag-konsaba sa mga tauhan ng mga airport at seaports na hindi sumusunod sa mga quarantine requirement.
Samantala, ipinagpapaliban muna ni Pangulong Duterte ang 2021 contribution hike para sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth.