Ni Karen David
NAGKASUNDO na ang Metro Manila mayors at ang Inter-Agency Task Force na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim sa modified general community quarantine ang buong bansa sa Marso.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Roque, dahil nagkasundo ang MM mayors at IATF, posibleng aprubahan na rin ng Pangulo ang nasabing rekomendasyon.
Sinabi ng palace official na dedesisyunan ng pangulo ang quarantine levels para sa susunod na buwan sa Pebrero 22.
Posible aniyang inanunsyo ito ng Pangulo sa publiko bago matapos ang Pebrero.
Kahapon, sinabi ng Metro Manila Council na siyam sa labing pitong alkalde ng capital region ang pabor sa MGCQ sa Marso.