Ni Karen David
ISINASAPINAL na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation flight para sa mga Pilipino sa Myanmar kung saan naka-iskedyul na ito sa Lunes, Pebrero 15.
Ayon sa DFA na 252 na mga pilipino sa Myanmar ang lumagda na interesadong ma-repatriate sa gitna ng military coup at pag-aresto sa mga government official doon kabilang na si dating Nobel Peace Prize Winner at Democracy Icon Aung San Suu Kyi.
Sinabi ng ahensya na nasa proseso na ang Philippine Embassy sa pagkuha ng kumpirmasyon sa mga Pilipino na nais umuwi ng bansa.