Ni Vhal Divinagracia
INTERESADONG makakuha ang Department of Health (DOH) sa pinag-aaralang single-shot COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson.
Sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, mas mainam aniya na makakuha ang bansa ng nasabing klase ng bakuna para magiging simple na lang ang proseso at hindi na maghihintay ng ilan pang linggo para sa pagtuturok ng pangalawang dose ng bakuna.
Kung magtatagumpay ang nasabing pag-aaral, makukuha na ang 85% efficacy rate ng bakuna kahit isang turok lang.
Samantala, ibinahagi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na kasali ang Johnson & Johnson sa kinakausap ng bansa para sa COVID-19 vaccines.