Ni Vic Tahud
INIHAYAG ni Food and Drug Administration Director Eric Domingo sa regular Laging Handa press briefing na hindi ang Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China ang pinaka-mabisang bakuna para sa mga health worker.
“Ang rekomendasyon po ng ating mga eksperto hindi ito ang pinaka-magandang bakuna para sa kanila.”
Sinabi ni Domingo na base sa ginawang clinical trial ng Sinovac sa Brazil, nasa 50.4% lamang ang efficacy rate ng bakuna para sa mga health worker na binakunahan.
Samantala, ligtas namang gamitin ang naturang bakuna at banayad lamang ang maaring maranasang side effect ng isang taong mababakunahan.