Ni Pat Fulo
IPINAHAYAG ng Department of Health (DOH) na hindi na kinakailangan pang sumailalim sa swab test bago bakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay base na rin sa mga experto at sa World Health Organization (WHO).
Ayon kay Vergeire, ang tanging rekomendasyon ng mga eksperto partikular sa mga tinamaan ng virus ay ang maghintay ng 90 araw bago magpabakuna.
Batay kasi aniya sa pag-aaral ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na posible pang magkaroon ng reinfection ang isang indibidwal sa loob ng 90 araw.