Ni Vic Tahud
NAGPOSITIBO ngayon sa UK COVID-19 variant ang taga-Cebu City na nananatili ngayon sa Quezon City na isang former overseas Filipino worker na galing sa Liloan Cebu.
Nag-quarantine ang nasabing lalaki sa isang apartment kasama ang isa pa.
Sa ngayon, magsasagawa ng contact tracing at testing ang health officials ng Quezon City sa Riverside sa Barangay Commonwealth.
Samantala, ang dalawa ay ilalagay sa Hope Facility para ma-isolate.
Ayon sa Quezon City Government, to ay pang-walong kaso ng UK variant sa bansa ayon sa DOH.
Samantala, bubuo ng team ang Philippine National Police para tututok sa iligal na pagbebenta ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, inatasan na nito ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, intelligence group at iba pang national operational support units para sa nasabing pagbuo ng team.
Magiging role ng team ayon kay Sinas ang pagtutok sa maaring iligal na pagpasok, distribusyon at pagbebenta ng COVID-19 vaccines.