Ni Vic Tahud
BUBUKSAN sa syudad ng Taguig ang tatlong vaccination hubs na mag-ooperate ng 24 oras bukod sa apatnapu na matatagpuan sa Bonifacio Global City at sa Barangay Calzada-Tipas.
Sinabi ni Mayor Lino Cayetano na makatutulong ang mga nasabing center para maka-reach out ng mas maraming mababakunahan sa syudad.
Dagdag pa ni Cayetano, hindi lamang nito mapapabilis ang vaccination, kundi kinokonsidera rin nila ang safety, efficiency at accessibility.
Kaugnay nito, target ng syudad na magkaroon ng 200 vaccination teams na magbabakuna sa 630,000 na residente ng syudad sa loob ng 60-90 days.