Ni Vic Tahud
NANINIWALA ang Pilipino na tapos na ang malalang sitwasyon na hatid ng COVID-19 ayon sa isang survey ng Social Weather Station.
Nasa 69% ng mga respondent ang naniniwala na tapos na ang worst situation, mas tumaas kaysa noong Setyembre 2020 na 47% lamang.
Samantala, may 47% pa rin na mga respondent ang naniniwala na mas lalala pa ang sitwasyon.
Ang survey ay ginanap noong buwan ng Nobyembre 2020 sa isang libo at limangdaang adult Filipino sa buong bansa.