Ni Vic Tahud
IPINAHAYAG ni Bureau of Immigration (BOI) Spokesperson Dana Sandoval sa panayam ng Sonshine Radio na tinanggal na ang travel restriction sa tatlompu’t anim na bansa.
“Basically po, ang hindi pa po muna natin pinapayagang pumasok ng bansa following IATF resolution, ‘yong mga 9A visa holder, ito po ‘yong mga may temporary visitor’s visa at tsaka ‘yong special resident and retiress visa,” ayon kay Sandoval.
Aniya, kailangan ng mga visa holder na ito na magpakita ng entry exemption document mula sa mga embahada ng Pilipinas sa ibang bansa bago sila makapasok ng bansa.
Paglilinaw ni Sandoval, pwede nang pumasok sa bansa ang foreign national na may long term visa.
Kasabay nito, ang mga former Filipino, maari na ring pumasok sa bansa kahit walang entry visa at makakakuha sila ng isang taong pananatili sa bansa.