Ni Vhal Divinagracia
NAGSAGAWA ng online community-based at income generating capacity trainings ang Technical Education and Skills Development o TESDA sa mga residente ng Quezon City at Navotas City.
Sa QC, nakipagtulungan ang TESDA Quezon District Office sa opisina ni Representative Allan Benedict Reyes kung saan isang daang partisipante ang sumali para sa liquid dishwashing soap making ng online community-based training program ng ahensya.
Samantala, ang TESDA Camanava District Office naman ay nagsagawa ng Special Training for Employment Program o STEP at tool kit distribution.
Ang STEP ay isang community-based training program kung saan ang special skills ng isang indibidwal ay bibigyang tugon para makapagtrabaho ito.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng TESDA Camanava nina Navotas Representative John Rey Tiangco at TESDA Navotas City at District Director Rolando dela Torre.