Ni Arjay Adan
NANINIWALA ang higit sa kalahati ng Japanese firms na dapat kanselahin o ipagpaliban ang Tokyo Olympics base na rin sa survey na isinagawa ng Think Tank Tokyo Shoko Research.
Sa ngayon ay nahihirapan ang Japan na kontrolin ang kaso ng COVID-19 at nahuhuli rin ito sa pagkuha ng mga COVID-19 vaccines sa mga western countries.
Base sa survey na isinagawa online noong Feb 1-8, nakita na nasa 56% ng kompanya ang nagsabi na dapat kanselahin o ipagpaliban ang games.
Samantala tanging 7.7% lamang ang nagsabi na dapat ipagpatuloy ang games ngayong taon, mas mababa ito kumpara sa 22.5% mula sa naunang survey.