Ni Karen David
BINIGAY na ang second dose ng Sinovac vaccine sa mga healthcare worker sa lungsod ng Maynila na isinagawa sa Sta. Ana Hospital.
Kabilang sa tinurukan sa ikalawang round ay si Manila Vice Mayor Honey Lacuna na isang doktor.
Matatandaang, Marso 2 nang tumanggap ng unang bakuna ang mga healthcare worker sa lungsod.
Kaugnay nito, nasa ikatlong araw na ngayon ang Maynila sa pagbabakuna sa mga senior citizen habang sisimulan naman bukas, Marso 31 ang pagbabakuna sa mga indibidwal na may comorbidities.
Samantala, hanggang alas 6:30 kagabi, nasa 17,809 na frontline workers at senior citizens na sa lungsod ang nabakunahan kontra COVID-19.
Sinabi naman ng Manila Public Information Office na 3,996 na senior citizens ang nakatanggap ng AstraZeneca vaccine habang 83 na senior dialysis patients ang nabakunahan na.