Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
KUNG kaya ginawa Niya akong ginto sa aking pagsusunod, pagsisisi, pangako, at dedikasyon. Bagama’t ang ginto ay kailangang dumaan sa apoy, ang ginto ay mananatili. Mas lalong nagiging dalisay at banal, kapag ito ay laging dumadaan sa apoy.
ANG GINTO AY MANANATILI SA LAHAT NG KAPAGSUBUKAN
Kaya gumawa Siya ng materyales mula sa akin, kagaya ng ginto na hindi magbabago, lilisan at tatalikod sa Kanya. Ganyan ang pagkagawa sa akin. At sa pamamagitan ko, ang Ama ay ginagawa kayo na kagaya ng inyong modelo, ang imahe ng Kanyang anak.
Saan ko nakuha ang imahe na yan? Nakuha ko ang imahe sa isang taong dumating at ang Kanyang pangalan ay Panginoong Hesukristo, ang ating Dakilang Ama ngayon. Dahil Siya ay nananahan ngayon sa ating loob at Siya ay nagprodyus ng katawan mula dito.
ANG BAGONG TAO
Ang nakikita mo ay katawan na parehas pa rin noong una ngunit ang espiritu sa loob ay muling binuo, ginawa at binago. Ganyan din ayon sa Salita ng Diyos at kahit si Apostol Pablo ay tinawag itong Bagong Tao. Bagong Tao na ang loob ay binago.
Kaya kapag ikaw ay ginawa nang ginto at ang Diyos ay makapanahan na sa iyo, hindi mo na makikita ang kasiyahan sa labas ng iyong katawan o sa labas ng mundong ito kung saan madarama lamang ng iyong limang pandama.
Hindi ka na nakadepende sa iyong limang sentido, para sumaya, malungkot, at magkaroon ng kaligayahan at kapayapaan at pagmamahal, hindi mo na kailangan pang dumepende sa iba upang ikaw ay paligayahin.
Hindi ka nakadepende sa iyong sirkumstansya para sumaya. Hindi ka na nakadepende sa panahon. Hindi ka nakadepende sa taong katabi mo para ikaw ay maging masaya. Kaya mong mag-isa at kaya mong maging lubos na maligaya dahil yan ay kung saan ang espiritu ng Ama nananahan, kung saan mo makukuha ang kaligayan. Mayroon ng relasyon sa pagitan mo at ng Dakilang Ama.
Kaya ang relasyon na yun na bago na, binuo nang muli, ibinalik na ngayon sa orihinal na porma. Ikaw at ang Ama, ang iyong espiritu at ang espiritu ng Ama ang iyong kaluluwa at ang espiritu ng Ama na nananahan sa loob mo ay isang relasyon na hindi na masisira.
Kaya, tayo ay mayroong pag-ibig, kapayapaan at kaligayahan lalo na ng pag-ibig. Hindi mo makikita ang pag-ibig na yan sa labas.
BODY-BASED RELATIONSHIP
Ang tao ngayon ay naghahanap ng pag-ibig sa labas. Gusto nila ng sex, ito ay laging nakabase sa kahilayan na relasyon. Ito ay laging body-based relationship na nagpapaligaya sa kanila.
Kung kaya kailangan mong maghanap ng ibang tao para lamang ikaw ay lumigaya. Hindi ito mula sa iyong loob. Maliban kung ito ay magmumula sa iyong loob, kung saan ang Ama ay nakatira, nangungusap sa loob mo at inaaliw ka sa loob mo, anuman ang sirkumstansya na nasa labas mo, sa labas ng sanlibutang ito na mararanasan lamang ng limang pandamdam, ikaw ay magiging hungkag kung wala niyan.
Kahit saan ka magpunta, matatagpuan mo ito sa droga, sinubukan mong makuha ito sa nicotine, sa sigarilyo, sinubukan mong mahanap ito sa sex-based relationship sa ibang tao, sa ibang lalaki kung ikaw ay babae. Kung ikaw naman ay lalaki sa ibang babae.
At pagkatapos niyan, ikaw ay hindi na naman masaya. Sinubukan mong hanapin ito uli. Yan ang dahilan kung bakit ang tao ay naging adik sa internet. Sila ay nagsimula sa konting pornography at pagkatapos niyan, ang lahat ng kanilang pag-iisip ay nakatuon na lamang sa kung ano ang gusto nila, naging adik na sila sa bagay na yan.
At ang 99 porsyento ng kanilang isipan ay nakatuon sa mga bagay na yan, mga bagay sa labas. Ikaw ay bakante sa loob. Walang makagpapasaya sa iyo, maliban na lamang kung ikaw ay magbabago sa loob.
Kahit na 24 oras kang manood ng pornography sa internet ngunit pagkatapos na patayin mo ang iyong computer, mas lalo mong mararamdaman ang kawalang katuturan o kalungkutan sa kaloob-looban mo. Dahil hindi tayo nilikha para lamang hanapin ang ating kaligayahan mula sa mga bagay na to. Hindi tayo binuo na kagaya niyan.
ANG TUNAY NA KASIYAHAN AY ANG MANAHAN ANG AMA SA ATING LOOB
Tayo ay ginawa ng espiritwal na Diyos kung kaya sa pamamagitan ng espiritwal na pamamaraan lamang tayo magiging masaya at puno sa pag-ibig.
Kung kaya binigyan Niya tayo ng Kalayaan sa Pagpili. Marami minsan ang nagtatanong ng ganito, “Bakit kung ang Diyos”, sabi nila, “alam ang lahat ng bagay, bakit pa Niya nilikha si Adan at Eba?” At nilagay Niya sa Hardin kung alam naman pala niyang sila ay magkakasala at susuway sa Kanya?”
TAYO AY NILIKHA SA IMAHE NG DIYOS NA MAY KALAYAAN SA PAGPILI
Alam ninyo, ito yong tanong na aking natatanggap ng maraming beses. At sinagot ko sila ng simpleng sagot, na tayo ay ginawa hindi katulad ng lower creation ng Diyos. Tayo ay nilikha sa imahe ng Diyos, at yan ay ang ating Kalayaan sa Pagpili.
Kung ang Diyos ginawa ang mundong ito na wala tayo, ito ay walang kabuluhan. Paano kung ang Diyos ay ginawa ang mundo at tayo ay nandito. Paano kung nilikha Niya tayo pero hindi Niya tayo binigyan ng kalayaan sa pagpili. Paano kung tayo ay binigyan lamang ng pagpili sa mabuti at wala ng kasamaan. Kaya Niya inilantad ang mabuti at masama sa ating harapan ay upang tayo ay makapagpili.
(Itutuloy)