NAKUHA ng Mandaluyong City ang pagkilala ng OCTA Research Team bilang best performing LGU sa COVID-19 response sa National Capital Region.
Ayon sa OCTA, ito ay dahil matagumpay na napigilan ng lungsod ang pagtaas ng bagong kaso ng virus sa kanilang siyudad.
Bukod pa dito ay nakapagtala rin ang Mandaluyong ng low daily attack rate ng sakit na 2.55 per 100,000 at low positivity rate na nasa 2% lamang.
Dagdag pa dito, napanatili ng Mandaluyong LGU ang mababang hospital occupancy rate na pumalo lamang sa 5%.
Kabilang din ang Muntinlupa, Valenzuela at Pasig City sa mga LGUs sa NCR na kinilala ng OCTA na may well performance sa COVID-19 response.