Ni Justine Nazario
ISANG mental health advocate warrior ng Philippine Mental Health Association Cebu Chapter si Baron Geisler.
Sa isang panayam inamin nitong hanggang ngayon ay nasa proseso siya ng pagpapagaling mula sa mental health issue nito.
Patuloy aniya ang pagpunta nila sa mga probinsya para i-educate ang mga tao kung paano maiwasan ang mental sickness.
Nabanggit din ni Baron kung gaano kamahal ang gamot na dapat nilang inumin kung saan umaabot ito sa P150 kada tableta.
Kaugnay nito, hiling ni Baron sa gobyerno na tulongan ang mga taong walang kakayahang makabali ng gamot.
Nagpapasalamat naman ito sa kanyang pamilya na walang sawang sumusuporta at tumutulong sa kanya.