Ni Karen David
INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang “Once-a-day religious gatherings” sa ‘NCR Plus’ bubble mula Abril 1 hanggang 4 o sa Holy Week.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na limitado lamang ito sa 10% venue capacity at hinihikayat ang mga simbahan na gawing by reservation ang slot para sa mga nais makapasok.
Ipinagbabawal din ang pagtitipon-tipon sa labas ng venue.
Hinihikayat naman ng Palasyo ang pagdaraos ng online streaming ng mga aktibidad para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.