Ni Arjay Adan
PINALAWIG ng Department of Education ang klase sa bansa hanggang Hulyo a-10.
Ito ay upang masolusyonan ang learning gaps sa mga mag-aaral at maabot ang learning competencies nito.
Sinabi pa ng DepEd, ang ikatlong quarter ay magsisimula na sa Marso 22 hanggang Mayo 15 at ang huling quarter ay mula Mayo 17 hanggang Hulyo 10.
Napahaba ng aksyong ito ang school year ng isang buwan na nakatakda sanang magtapos sa Hunyo 11.
Samantala, hindi naman ito pinaboran ng mga grupo ng mga guro at sinabing ang desisyon na ito ng DepEd ay nagpapatunay lamang na ang kasalukuyang curriculum at viber-all learning design ay hindi angkop sa kanilang totoong sitwasyon sa ilalim ng nararanasang health and economic crisis.