Ni Arjay Adan
IPINAHAYAG ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tatalakayin ng Inter-Agency Task Force ang posibleng one-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) extension bago ang April 4 kung kailan matatapos ang mas mahigpit na quarantine status.
Ayon pa kay Vergeire, hindi nila tinatanggal ang posibilidad ng pagpapalawig ng ECQ sa deklarasayon dahil ang isang linggong ECQ aniya ay hindi sapat upang mapababa ang kaso ng COVID-19 cases at hospital admissions.
Sinabi rin ni Vergeire na bukod sa mobility restrictions, pinatatatag nila ang kapasidad ng bansa sa pagsasagawa ng test, quarantine, contact trace at pag-isolate ng mga pasyente.