Ni Vic Tahud
IPINAHAYAG ni Department of Transportation DOTr Usec. Artemio Tuazon sa Laging Handa public briefing na ang mga returning residence lamang at mga authorized persons outside residence (APOR) ang maaring makapasok sa loob ng NCR plus bubble.
Ayon pa kay Tuazon, bukod pa rito, may iniutos si Sec. Arthur Tugade ng DOTr.
“Iniutos po ng ating kalihim na si Sec. Arthur Tugade na lalong paigtingin ang pagpapatupad po ng ating mga health protocol sa ating pampublikong sasakyan” ani Tuazon.
Inihayag rin ni Usec. Tuazon na may karapatan ang mga tauhan ng bus company at ng DOTr kung tanungin ang isang pasahero sa pakay nito papasok ng NCR plus bubble.
Payo ng DOTr sa mga nasa NCR plus bubble na magbabakasyon sa ibang lugar, maaring mag-rebook ng mga flight at biyahe sa barko nang libre habang pinaiiral pa ang mga patakaran.