Ni Kriztell Austria
BALAK ng Europe maglabas ng digitial certificate o “digital green certificate” para sa pagsisimula ng foreign travel.
Ito ay upang payagan ang lahat ng mga nabakunahan na ng COVID-19 vaccine, nag-negatibo sa virus, at nakarekober sa sakit na payagan na mag-travel sa Europe.
Ayon sa mga opisyal, dapat ipamahagi ito nang walang diskriminasyon.
Ang ipapamahagi ng certificate ay libre at available sa digital o paper format.