Ni Claire Hecita
APRUBADO na ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang planong pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes ng apat na medical schools sa lungsod.
Ayon kay Domagoso, layunin nitong makapag-produce ng mga doktor, nurses, midwives at iba pang kurso na pinayagan ng Commission on Higher Education na magsagawa ng face-to-face classes.
Dagdag pa ng alkalde, makatutulong ito para mapalakas ang hanay ng mga medical professional na nangunguna ngayon sa pakikipaglaban sa pandemya.
Ang apat na medical schools na pinayagan ni Mayor Isko na magsagawa ng limitadong face-to-face classes ay ang Lungsod ng Maynila (PLM), College of Medicine, Metropolitan Medical Center College of Arts and Sciences, Chinese General Hospital Colleges, at Manila Theological College-College of Medicine.
Una na ring inaprubahan ni Domagoso na magsagawa ng face-to-face classes ang University of Sto. Tomas at Centro Escolar University noong Pebrero.