Ni Stephanie Macayan
ANG pagbabasa ay maigi sa bawat tao, dito nag-uumpisa ang paghubog ng ating kaalaman. Kaya naman kung gusto mong lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa pagiging magaling na lider sa lahat ng oras, magbasa ng libro patungkol sa pamumuno, alamin anong libro ang makatutulong para sa iyo.
Maaaring magkakaiba ang depinisyon ng tao sa ‘leadership’ ngunit iisa lamang ang tiyak, kahit ano pa man ang depinisyon nito ay may aral pa rin tayong makukuha dito at makakatulong patungo sa ating tagumpay.
Ikaw ba ay team leader sa trabaho? At gusto mong lumawak ang iyong kaalaman tungkol dito? Ayaw mo naman sigurong ilaban sa gyera ang iyong grupo nang wala man lang kaalam-alam sa pagiging lider? Kung babasahin mo ang mga librong ito ay maaaring makatulong ito sa inyong tagumpay.
BEST FOR TEAMWORK: THE FIVE DYSFUNCTIONS OF A TEAM: A LEADERSHIP FABLE
Sinabi ni Patrick Lencioni na ang tagumpay ay nasa grupo, hindi lamang dahil sa lider. Ngunit ang alam nating lahat na kailangan din ng grupo ay ang isang mahusay at epektibong lider. Ayon sa librong ito, dapat mabigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro ng grupo na marinig ang bawat saloobin at mga ideya at higit sa lahat ay ang tiwala sa bawat isa.
Ang nilalaman ng librong ito ay mga sitwasyong nadaanan ng bawat lider at kung paano ito malalampasan at matugunan.
Si Lencioni ay may kamangha-manghang karanasan na ipinakita. Isa siyang matagumpay sa business kung saan ang kaniyang mga gawa ay makikita sa Harvard University, isang prestihiyosong unibersidad sa Cambridge, Massachusettes ng Estados Unidos.
Ang bawat chapter ng librong ito ay mayroong pagsusulit kung saan maaring masuri ang iyong kakayanan, ito ay makatutulong upang mapabuti ang kakayanan bilang lider.
ACT LIKE A LEADER, THINK LIKE A LEADER
Isa itong libro na makatutulong upang mapahusay ang kakayanan sa pagiging lider. Naglalaman din ng mga payo para sa mga manager na makakatulong na palaguin ang kanilang husay sa kanilang propesyon.
Ang may akda ay naniniwalang ang pagiging lider ay nangangailangan ng maraming eksperimento at matuto sa mga karanasan sa halip na pagiging maingat at risk taker.
Kadalasang sinasabi na ang isang lider ay dapat kumikilos at mag-isip na para bang tunay na pinuno ngunit maaring maging iba ang interpretasyon ng iba dito, ang may akda ay nag-aalok kung paano ito susundin. Kaya mas makakabuti kung ito ay babasahin.
BEST APPROACH TO LEADERSHIP: THE COACHING HABIT: SAY LESS, ASK MORE & CHANGE THE WAY YOU LEAD FOREVER
Isang kilalang keynote speaker at coaching expert si Michael Bungay Stanier ang may akda ng librong ito. Nakapagturo sa mahigit 10,000 na mga manager worldwide upang matulungan mapaunlad ang leadership skills ng mga ito.
Ang The Coaching Habit ay naka-pokus sa mga skills kung saan may pitong mga tanong si Stanier kung saan ang layunin nito ay humingi ng tiyak na tugon mula sa iyong grupo o paano sila tumugon sa mga balakid.
Ito ay nahahati sa mga tanong na “The Kickstart Question” patungo sa “The Focus Question” at “The Strategic Question”. Ayon kay Daniel H. Pink, ang may akda ng Drive ang mga ito ay “core question” at sinasabing hindi lamang ito makatutulong patungo sa epektibong suporta sa iyong grupo, ito rin daw ay makatutulong upang ikaw ay maging best coach sa sarili mong pamamaraan.
BEST ABOUT MILLENNIALS: LEADERS EAT LAST: WHY SOME TEAM PULL TOGETHER AND OTHERS DON’T
Ayon sa librong ito na sinulat ni Simon Senek, sinulat niya ito dahil misyon niya na makapagbigay ng inspirasyon sa iba at turuan sila kung paano gawin ang mga natutunan niya. Kasama na rin sa gusto niyang tulungan ay ang mga foreign ambassador at mga politiko sa United States.
Nakasaad dito na siya ay naniniwala na ang isang mahusay na lider ay dapat isakripisyo ang kaniyang sarili kung kinakailangan para sa kapakinabangan ng mga sumusunod sa kanya.
TURN THE SHIP AROUND
Ito ay isang makabuluhang aklat dahil ang may akda nito ay isang former commander ng US Navy Submarine at hango sa tunay na buhay.
Inilahad niya ang bawat aral na kaniyang natutunan habang siya ay nagsisilbi sa Navy. Inilagay ng may akda ang pilosopiya ng paghubog ng isang lider, hindi raw dapat matakot magtanong at hamunin ang awtoridad kung kinakailangan.
Ito ay isang pagsasaliksik kung paano inililikha ang ideya ng leadership mula sa ‘leading’ hanggang sa pagtulong sa iba na ‘lead’ sa kanilang sariling pamamaraan at muling isulat ang rules sa proseso.
Ito ay inirerekomenda na basahin ng mga manager at mga lider sa negosyo. Dahil malaki ang maitutulong nito upang mapaunlad ang sarili lalo na kung ikaw ay bago pa lamang sa ganitong trabaho. Maaari rin itong basahin ng mga ordinaryong tao dahil ito ay malaking tulong din upang maging handa sa mas mabigat na layuning dadaan sa iyong buhay.