Ni Melrose Manuel
13, 371 ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa bansa kahapon ayon sa Department of Health (DOH).
Sa pinakahuling datos ng DOH, 560, 512 ang kabuuang naitalang bilang ng mga gumaling.
Habang 63 naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya umabot sa 12,829 ang naitalang namatay sa bansa dahil sa naturang sakit.
Nadagdagan naman ng 4,899 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, na 48,157 na lamang ang aktibong kaso mula sa kabuuang bilang ng kaso sa bansa na 621, 498.