Ni Arjay Adan
IPINAHAYAG ng dalawang senador ang pagpapapalit ng opisyal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) dahil sa kapalpakan umano ng mga ito sa pagbibigay aksyon sa COVID-19.
Ito’y matapos makapagtala ang bansa ng 8,019 na bagong impeksyon sa unang pagkakataon simula nang magkaroon ng COVID-19 outbreak sa bansa.
Mariing sinabi ni Senator Risa Hontiveros, maliwanag pa sa sikat ng araw na kailangang palitan ang mga miyembro ng IATF ng mga public health experts na talagang may alam sa pamamalakad sa kalagitnaan ng public health emergency.
Samantala ipinanawagan naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang tamang representasyon ng pribadong sektor sa task force.
Aniya, oras na para palawigin ang membership ng IATF at isama ang mga pribadong negosyo na mayroong maayos na managerial skills.