Ni Vhal Divinagracia
APRUBADO ng Department of Health ang pagbubukas ng sinehan at iba pang establisyimento basta sumusunod ito sa health protocols.
Ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kung nasusunod nito ang protocols gaya ng wastong ventilation at limitadong bilang ng tao sa loob, hindi naman aniya pipigil ang ahensya sa pagbubukas.
Nilinaw lang ng DOH na hindi nila inirerekomenda ang kumain o uminom sa loob ng sinehan.