Ni Karen David
BILANG karagdagang pagsisikap ng pamahalaan lungsod ng Navotas sa kanilang COVID-19 response, gumagamit na ito ng quarantine bands o “Q-bands”.
Ito ay para sa kanilang mga residente na nasa ilalim ng home quarantine.
Ayon kay Navotas City Health Officer Dr. Christia Padolina, gamit ang “Q-bands” ay masusundan ang kilos ng mga quarantine resident at magpapadala ng signal sa mga otoridad kung lumabag ang mga ito sa 25-meter radius limit sa loob ng kanilang bahay.
Inilarawan naman ni Padolina ang transmission rate sa lungsod bilang nakakaalarma kumpara sa bilang ng mga kaso noong Hulyo at Agosto 2020.
Hanggang noong Marso 22, mayroon ang lungsod ng 7,421 confirmed COVID-19 cases kung saan 970 dito ay active cases, 6,230 ang nakarekober na at 221 ang nasawi.