Ni Arjay Adan
NILINAW ni National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer and Testing Czar Vince Dizon na tanging ang Philippine Red Cross (PRC) lamang ang binigyan ng awtoridad upang magsagawa ng saliva test.
Hindi aniya pinahihintulutan ng Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang ibang saliva test gaya ng saliva antigen at iba pa.
Dagdag pa ni Dizon na ipinaalam na sa DOH ang mga nagbebenta ng unauthorized saliva tests online at iginiit na dapat na kontrolin at arestuhin ang mga nagbebenta ng ganitong klaseng tests.
Kaugnay nito, dati nang sinabi ni PRC Chairman Senator Richard Gordon na ang mga pekeng COVID-19 tests ay ibinebenta sa mga online store na nagkakahalaga ng 1,000 piso kada isa, higit na mas mura kumpara sa mga orihinal na tests.