Ni Vhal Divinagracia
IPINAHAYAG ni Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Administrator Hans Leo Cacdac para sa returning overseas Filipinos na gustong umuwi sa Pilipinas na makipag-ugnayan sa embahada o ahensya ng gobyerno.
Kaugnay ito sa ipatutupad na pansamantalang pag-ban sa pag-uwi ng OFW sa bansa dahil sa kakulangan sa quarantine facilities.
Matatandaang nagpalabas ng Memorandum Circular ang National Task Force Against COVID-19 noong March 16 patungkol sa temporary suspension ng pagbiyahe ng foreigners at returning overseas Filipinos bilang hakbang laban sa COVID-19.
Sa naturang memorandum, may limit na 1, 500 lang na inbound international arrivals bawat araw.