Ni Claire Hecita
KASUNOD ng pagdating ng unang batch ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng W.H.O. sa pamamagitan ng vaccines global access o COVAX Facility ay hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na magpabakuna.
Sinabi ng Pangulo na ligtas ang mga bakunang nasa bansa na ngayon at ang pagbabakuna ay may mahalagang papel para sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Nasa 487,200 na vials ng bakuna ng AstraZeneca ang dumating kagabi at nasa 44 milyong dosis ng naturang bakuna mula sa COVAX Facility ang darating pa sa bansa.