Ni Vic Tahud
MAYROON ng 239 COVID-19 laboratories ang bansa kung saan mahigit sampung milyong mga Pilipino na ang sumailalim sa COVID-19 testing sa buong bansa.
Ito ay ayon kay testing czar Sec. Vince Dizon sa Regular Press Briefing ng Malacañang.
Ayon pa kay Sec. Dizon, sa ngayon, naabot ng bansa ang target nito sa unang quarter ng taong 2021.
Bukod pa rito, mula March 22-March 28 ang testing capacity ng bansa ay may average na 51, 104 kada araw.
Ani Dizon, ito ang pinakamataas na bilang ng mga nasusuri ng bansa kada araw.