Ni Karen David
BASE sa datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) hanggang kaninang alas 8 ng umaga, 7,873 ang kumpirmadong active cases sa Quezon City.
Dahil dito, pumalo na sa 43,559 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.
Nasa 79.9 percent o 34,297 naman ang mga gumaling na sa sakit sa lungsod habang 2 percent o 889 ang mga nasawi.
Ayon sa city government na dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa Department of Health (DOH) para masigurong sila ay residente ng QC.
Samantala, maaari anilang magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.