Ni Claire Hecita
HANGAD ni Miss Universe-Philippine Rabiya Mateo sa kanyang pagtungo sa Amerika para sa ika-69 na Miss Universe Pageant, ay makikita na nito ang kanyang ama.
Wika ni Rabiya, matagal na niyang pangarap na makapunta ng U.S. para masilayan ang ama na aniya’y nagtatrabaho doon bilang doktor.
Positibo si Rabiya na magkikita sila ng kanyang ama bagama’t hindi siya sigurado kung alam nito na nanalo siya sa Miss Universe-Philippines.
Na-inspired aniya ito sa kwento ni dating Miss Universe-Philippines Gazini Ganados na nakita ang ama nang manalo ito.
Ito’y sa kabila na ang alam lang ni Rabiya ay ang pangalan lamang at birth date ng ama nito.
Sa kabilang banda, hindi naman makakasama ni Rabiya sa Miss Universe Competition sa Amerika ang kanyang ina dahil matanda ito at delikado nang ma-expose sa coronavirus.