Ni Karen David
NAGPABAKUNA kontra covid-19 ang mga medical frontliners sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Unang nagpabakuna ng Sinovac vaccine si Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease specialist sa nasabing ospital.
Nasa 178 medical frontliners naman sa ospital ang inaasahang magpapabakuna ngayong araw.
Magugunitaang sa naturang ospital na-admit ang unang coronavirus patient sa bansa noong nakaraang taon.