Ni Vhal Divinagracia
INAALAM pa rin ng Department of Health ang posibleng pinagmulan ng South-African COVID variant na nakarating sa bansa.
Sinabi ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire, buong Pasay City ang mino-monitor ng DOH dahil matatandaang tatlo sa anim na nagpositibo ng naturang variant ng COVID-19 ay mula sa lugar.
Patuloy din ang contact tracing sa nakasalamuha ng mga ito sa nagdaang tatlo hanggang apat na linggo.
Kaugnay nito, tiniyak ng DOH na minomonitor din nila ang ibang rehiyon sa posibleng transmission ng virus.
Ibinahagi rin ni Vergeire na isa sa anim na South-African COVID variant positives ay nagtatrabaho sa isang laboratory.