Ni Vic Tahud
IPINANGAKO ng siyam na sumukong rebelde mula sa mga bundok ng Sultan Kudarat na hindi na muling sasanib sa grupong New People’s Army (NPA).
Ayon kay Col. Eduardo Gubat, commander ng Philippine Army’s 603rd Infantry Brigade, ang siyam na rebelde ay nakumbinsi na sumuko matapos ang ilang linggong pakikipag-usap.
Ito ay combined effort ng community support program (CSP) teams ng 37th Infantry Battalion at 57th Infantry Battalion.
Ayon naman sa mga sumuko, sila ay na-brainwash na sumali sa ‘militia ng bayan’.
Isinuko rin ng mga ito ang sampung shotguns at homemade 38 caliber revolver.