Ni Vhal Divinagracia
KINUMPIRMA ni Armed Forces of the Philippines o AFP Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na magsisimula na ang Balikatan Exercises 2021 ngayong Lunes.
Ito ay matapos ang pag-uusap aniya ng Defense Secretaries ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Sobejana, aabot sa 1, 700 na mga Pilipino at Amerikano ang kalahok sa naturang aktibidad.
Nilinaw naman ni Sobejana na isasagawa virtually ang ibang drills.
Matatandaang naudlot ang Balikatan noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 at ang pagwawaksi ng Visiting Forces Agreement.